Saturday, September 14, 2013

Move your feet, open your mouth, obey, obey, obey and obey :)

Macabalan Area(4 and a half months)


Oyun. Marami nang nangyari. Before mag end ang 1st cycle ko sa macabalan  marami pa kaming ginawa na di ko makakalimutan. Lalo na nung day before transfer. Eto:

TUESDAY (PDAY- Transfer Announcement 07-30-2013)

Hindi namin agad nalaman ang transfer announcement... Eh nag brownout e. Ayun. Parang binitin kami. Around 8:30 sa gabi.. Bumalik na ang kuryente, we checked on the transfer log. I am now going to have a new companion. Yep.. Magttrain ako. Si E. Hipolito.. Makikilala ko siya sa August 01,2013. Oyun.. Sabi ko kanina.. Hindi nila nagustuhan ang transfer log. Hindi naman dahil nagtrain ako no. Haha.. Kasi, maraming mga missionaries na pasaway na feeling nila is hindi deserve magtrain, also, hindi nila nagustuhan kasi 2 lang and ntransfer.. Si E.Pangan and E. Labarentos lang. Ayun. Nakauwi kami mga 12mn na.


WEDNESDAY (The day before transfer day 07-31-2013)

Ngayong araw. Dahil hindi nagustuhan ng buong Cugman District ang transfer log. Ayun.. Nagrebelde sila. Actually, kami pala. Wala naman akong magagawa e. Di din gusto ni Comp. ang transfer log. Eto ang di ko makakalimutan na ngyari nun:

1. Sino ba namang makakalimot ng missionary na nag computer ng 2pm-12mn. 10hours.
2. E.Pangan was dear johned by her gf in Iligan.
2. After non, 12mn onwards.. dumiretso kami sa isang convinience store with Jared. Nag pa ice cream si E. Villianueva and E. Reyes.. Para macomfort din si comp. Sakit daw e. Ayun. Masaya naman. Kahit pasaway kami. Masaya :)

Puro kami tawa. Nakauwi kami mga 2:30am na. Sa apartment natulog si Jared.. Si pangs... Hindi kasi sya nakapagempake. He was still talking to his girlfriend or ex-girlfriend rather before I sleep, maybe he's convincing her na mag change mind. But that didn't happen. I woke up before 7am. Yun kasi ang instruction sa mga new trainers e. Pero... sabi ni comp. 12  nalang daw kami pumunta. Ayun. Dahil naiintindihan ko naman sya, that's what we did. Pero dahil nandun naman si Jared, I asked him to talk to pangan. Mas matagal na sila magkilala e. He knows pangan more than I do. Ayun. That's what he did. Pinaalis ako ni pangs sa kwarto para mas private ang usapan nila. Hm. Di naman pinaalis actually. Nakiusap sya :) Ayun. After nila nag-usap for.. 20mins. I think, lumabas na sila. Okay na si pangs. So.. nagprepare na sya. Nakarating kami sa office mga 8:30 na yata yun. Tapos na ang testimony meeting ng mga new missionaries. Before meeting my first son sa mission.. Ngmeeting muna kami ng mga bagong trainers. Then, after that. Nameet ko na si E.Hipolito from Isabela, nagpapicture rin kami with his lolo ng tatay ko, si E.Taguba.. Then.. We went home with E.Alolor and E.Nieva. Pangan was transferred. Ayun... masaya na natransfer si Pangs. Kasi mabubuhay ko nananaman ang work sa Macabalan. Pero kahit di kami nagwowork nun.. Marami akong natutunan ako sa kanya. Sobrang madami :)



1st cycle with my trainee. (08-01 to 09-10;13)


Okay naman ang pag ttrain ko kay E.Hipolito, at first.. Di ko talaga alam ang gagawin ko. Para kaming nag open area. Hahaha. Dahil wala kaming work ni E.Pangan.. Wala kaming investigators. So.. Sobrang hirap talaga ng ngyari. May mga araw na nagwowork kami na di namin alam ang pupuntahan namin pag na punted ang appointment namin. Tapos, hirap pa ako sa pag train sa kanya.. kasi medyo may pagkamabagal sya. Pero okay lang. Masaya naman. Alam kong challenge lang to sakin. Anyway, he's obedient naman. Masunurin, humble, eager.. mabilis nga lang makalimot. Hahaha. Nagkaroon kami ng mga NI(new investigators) masaya ang work, pero mahirap parin. Dahil sobrang maliit ang area. Mahirap parin maghanap. Pero kahit ganun. Nagkaroon kami ng isang baptism. Nag punta rin si President Nielson. Mission tour nya sa PCDOM. 5 zones and nag attend. CDO East, Central, West, Malaybalay and Balingasag Zone. Masaya naman. Marami kaming natutunan. Nag birthday nga pala ako last Aug.05 ayun. I treat the whole district, also.. ang mga members :) Masaya tong cycle nato.

2nd cycle with my trainee and my district √ľ (09-10-13 onwards) Going 6 months.

 September 10, 2013..

Birthday ni Sister Barredo. We ate with the Trinitas Sisters and Manolo 2nd Elders. Then.. after eating with them.. someone called me. Elder David from Macanhan ward.. Sabi nya sakin... DLT na daw ako. Then he congratulated me. Sabi ko sakanya wag syang magbibiro ng ganun.. Pero.. after an hour.. ayun. Totoo nga. I was given a responsibilty to handle my district. Macabalan District. Ayun.. Kinakabahan ako. Til now. Diko parin alam ang gagawin ko -.- Oh well. Sana maging okay lahat. Masaya ako na nabigyan ng calling. So.. I'll do everything para magampanan ko to. Hehe..

6months passed. 18months left.. Ang bilis ng panahon :)

Mag 4 and a half nako sa area. Na ttrunky nako. Same faces everyday kasi ang nakikita ko sa area ko pare-pareho lang. Nakakapagod -.- Lalo na pag nagkukulang yung ward sa support sa mga missionaries. Mahirap talaga. Sana.. mamotivate ako ulit na magwork -.-

• Nga pala sa ngayon.. nasa Hawaii na si Tol.

•Si pare. Ayun. Nagpapakabait daw :P Hahaha!

Oyun. I'm doing my best to obey with exactness here sa mission. Para makita ko yung worthy sister for me :'> Para gwapa si inday. Hihi. 

Oh well. Eto na muna. May mga kaibigan akong parang nakakalimot na. Di nanaman nageemail e. Oh well. Ganun naman talaga. Osige na. :) ~end

   



1 comment:

  1. Hello!
    I hope your family will join us at the new Cagayan de Oro Mission Facebook page: https://www.facebook.com/groups/CagayandeOrofamilies/
    Thank you!

    ReplyDelete