Tuesday, July 2, 2013

All is well..... All is going to be well. Hopefully :)

July 2, 2013


MACABALAN WARD. 3RD WEEK..


Marami nanamang nangyari. Na announce na ung FB for missionaries.. Pero ewan kung kaylan ma iimplement dito sa PCDOM or kung ma iimplement nga ba..


Isa akong missionary, isang taong hindi marunong magsumbong.. Pero hindi rin marunong magsinungaling.(Siguro nung di pako missionary, marunong. Hehe) Oyun. Dahil namiss ko ang mga kasama ko sa Zone dati. Sila Elder Minguel (ZL sa Malaybalay Zone).Tumawag ako sakanila habang nasa loob ng bahay ang companion ko..

(Translated to Filipino)

Ako: Bro! Kumusta!? Namimiss ko na kayo dyan!

E.Minguel: Bro! Okay lang kami dito! Tara basketball!

A: Sige! Pambihira!

E.M: Kumusta ka dyan?

A: Uh. Hindi okay.

E.M: Bakit? Napano ka? Kumusta ba kayo?

A: Okay naman kami e. Kapampangan pa nga to. Kasundo ko.

E.M: Yun pala e! O san ang problema? Sa work? Kumusta ba ang work?

A: Wala.

E.M: Anong wala? Kumusta nga?!

A: Wala nga!

E.M: Wala? Simula nung dumating ka dyan? Teka. 1 week kana dyan ah?  Anong ginagawa ni batch?(Magkabatch kasi sila).

A: Wala, tulog, kain, fb, dota.

E.M: Pambihira! Bakit? Ano? Sumbong mo!

A: Kilala mo naman ako e. Kababayan ko pa to. Diskartihan ko nalang. Basta wag ka maingay. Satin nalang muna. Ako didiskarte :)

E.M: Sige.. Ikaw na bahala. Basta pag may problema. Tawag lang ha?

A: Oo bro. Osige na. Bye.. Salamat bro :)

***<Call hang up>***

Ayun. After 2 days exchanges of companion namin sa Cugman Elders(DL) pag gising ko sa umaga. Nagexercise and naligo nako. Then, dumating ang DL with the ZL, So.... surprise visit! Chineck nila ang apartment. Marami silang nakitang mali. Pinagalitan ang companion ko kasi sya ang matagal na sa area. Pagkatapos nun. Umalis na kami. Ang naiwan sa area ang companion ko at ang DL. Pagsakay namin sa jeep. Kinumusta ako ng mga ZL. Kasi daw tumawag si Elder Minguel(Traydor! Hahaha!) Sinabi daw nya na nagwoworry sila. Nahihirapan ako sa area. So.. Nagtanong ng mga bagay2 ang ZL sakin. Syempre sinagot ko ng totoo. Ayun. Dun nagsimula ang operation. Na hulihin ang companion ko sa mga hindi magandang ginagawa nya..(Masama bako? -.- Traydor e. Hahaha!).



Monday(DISTRICT MEETING)

Nag accountability session na. Ang nagreport lang. Ang companion ko. Nireport nya ang work nila. Nila ng DL. (Wala man kaming work) After ng lahat. Ng practice teaching din..Then.. closing na. After ng closing pinaiwan kaming dalawa. For the first time. Na interview ako ng ZL. Ayos e. Then.. Inamin lahat ng  companion ko lahat doon. Kinonfiscate din ang cellphone namin. So ngayon.. Wala kaming cellphone. Tsk.
Sarap lang. Unti-unti nang nasisira ang expectation ko sa mission. Well. Okay lang din. Kasi gets ko naman e. Na hindi ako involve sa interview na yon. Pero still. Nakakainis. Panira sa record -.- Ngayong araw nakita ko narin ang kakulitan ng mga kadistrict ko. Tsk. Pag-uwi namin, may fhe kami then diretso sa apartment ng puntod elders. Doon kami natulog. At doon nanaman nangyari ang isa sa pinaka memorable na pangyayari sakin sa mission. Habang nagsusulat ako ng journal ko.. Nagpaalam ang companion ko na bibili lang daw sya. After 30 mins. Wala pa sya. Ayun... Bigla syang nawala. Astig diba? Sabi ng puntod elders, ganun daw talaga sya sa una palang. Gusto ko talagang lumabas para hanapin siya kasi hindi ako makatulog.. Pero pinigilan nila ako. Kase hindi ko rin naman alam kung saan sya hahanapin. Ayun.  Wala akong nagawa kundi mag pray na safe syang makabalik. Nakatulog ako.


Tuesday..(PREPARATION DAY)

Pag gising ko.. Anjan na sya. Haaay. Kaylan kaya ang transfer day? I want a new companion! -.- Naglaro kami with the Zone Leaders sa buong mission. Nagkita kami ni Elder Minguel and Elder Vergara. Pag-uwi.. prepare and nagkita-kita kaming district. Tapos iniwan kami ni E.Surla.. May sarili silang lakad. Si Elder Surla ka batch ni Elder Taguba. Tatay ko. Nagkasundo naman kami. Ngayon araw ko naintindihan ang buhay ng missionary sa mission. Ngayon ko naintindihan na ang mission ay may politika din.. May mga tao na gagawin ang lahat para hindi ka maging leader. May mga tao na sipsip. Ngayong araw ko nakita lahat yan. Pinarealized sakin lahat ni E.Surla... Sinabi nya sakin na mag ingat. Kasi lahat ng ka District namin.. Iba. Iba mag-isip.. Iba ang pagiging missionary. Na hindi dapat kung kani-kanino magtitiwala. Kaylangan wag din pa agrabyado. Lahat! Mga hindi namin pagkakasundo ng companion ko. Mga.. hindi nila pagkakasindo sa companion nya. Marami, nagkwentuhan kasi kami after namin mag internet. Nakahanap nako ng kaparehong obedient(weh?) sa district. Basta marami akong natutunan sakanya :)

Okay tong Pday ko nato. Masaya :) Nakachat ko si Tol sa gmail. Kwentuhan.. biruan. Nkakamiss =.=
Aalis na sya nyan e. Mag BYU na. Ihateit. Ayun. Basta sulitin nalang :)

Nga pala. Remember Sabrina? Let me tell you what. Okay na kami :) Nakachat ko sya and she explained all the things that happened. We understood each other. Basta okay kami. Namiss ko lang siguro sya..Na kwento ko rin sakanya yung blog. Ayun. Dapat di ko na papakita e. Nasabi ko.. Tsk. Haha... -.- Before ko ipakita inedit ko e. Yun pala hindi ko na edit lahat..Epic! Basta Epic! Mabagal ako magedit e --. Hay. Pero okay lang yun :)

Til next time~ end